Handa na ang Learner Government Commission on Elections and Appointments (LG COMEA) ng Tambo Elementary School – Main para sa SELG Elections 2026-2027!
Sila ang magsisilbing tagapangasiwa at gabay sa nalalapit na halalan upang matiyak ang isang malinis, maayos, at patas na proseso.
Ang LG COMEA ay responsable sa:
1. Pagtiyak ng transparent at tapat na halalan.
2. Pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga kandidato at botante.
3. Pag-organisa ng maayos na daloy ng eleksyon sa bawat classroom at grade level.
Sa pamamagitan ng kanilang serbisyo, nabibigyan ang lahat ng mag-aaral ng pagkakataong lumahok sa pagpili ng mga bagong student leaders na magsisilbing halimbawa ng responsable at makabuluhang pamumuno sa paaralan.
Kaya naman, hinihikayat namin ang bawat isa na makilahok at suportahan ang mga bagong lider-mag-aaral. Sama-sama nating siguruhin na ang eleksyon ay magiging isang makabuluhan at masayang karanasan para sa lahat!